Art of Life "daily stories of mine"

10Mar/104

Feed your mind

bob ong's

Ang mga aklat na ito ay mga likha at obra ni Bob Ong (Roberto Ong) pero kulang pa yan dahil sa ngayon yan pa lang ang nababasa ko, sino'ng Pilipino ba ang hindi nakakakilala sa kanya lalo na ang mga kabataan na mas nakakarelate sa mga isinusulat niya. Hinahangaan ko siya sa kanyang estilo ng pagsusulat, simple.. madaling unawain kung ano talaga ang nilalaman ng libro. maloko pero may aral,nakakatawa pero totoo,nakakaaliw para magsilbing libangan ang pagbabasa. Mga libro na nakasulat sa sarili nating wika. Sa paraan na yan ko maipapaliwanag ang kanyang mga likha. Isa ako sa nagdadamihang tagahanga niya, minumulat niya kasi ang mga mambabasa sa tunay na nangyayari sa buhay lalo na sa pagiging Pilipino. Maraming aral na mapupulot sa mga aklat niya, nakabasa ka na ba kahit isa sa mga libro niya? affordable ang mga aklat niya,sulit sa dami ng makukuhang aral at sa saya na mararamdaman mo.

Alam naman ng marami na sa panahon ngayon HINDI ang pagbabasa ang libangan ng mga kabataan,maraming bagay na mas nakakaaliw pero Hindi ka nagsasayang ng oras sa pagbabasa ng libro, kahit na anong libro kahit hnd likha ni BOB basta may sense, may aral, yung madadagdagan ang kaalaman at laman ng utak mo. Sabi niya nga "kawawa ang mga taong literado pero hindi marunong magbasa". Ayan siguro magbabasa ka na ngayon. hehe

kung gusto mo malaman kung bakit maraming taga hanga si Bob Ong bumili ka ng libro nya. :D

http://www.visprint.net/publications/bob/

Comments (4) Trackbacks (0)
  1. Fan ka pala ni Bob Ong. So yan ang mga books mo pa lang? Try mo bilin yung black book. ^_^ Maganda yun.

  2. tagalog n ngaun?..ayaw mo n mag english?na impluwensyahan kna yata ni bob ong..wahahahahha :) )

  3. @kathe-syempre tagalog, tagalog ung mga libro nia eh.hehehe

  4. @arnold- oo eto plang libro nia na nbbsa ko,3 pa ang kulang ko,bbli nga ako nung black “ang paboritong libro ni hudas.hehehe


Leave a comment


No trackbacks yet.