TOXICATED!
sobrang nakakapagod ang biyernes........
maagang gigising para sa programming class (8am-2pm=6 hours) pero hindi nacoconsume lahat yan ha,kasi masaya kami sa klase mabilis lang ang discussion,masaya magturo ang teacher (mam migs)whoa!simple magturo at madali intindihin kaya sa anim na oras kalahati lang siguro ang makokonsumo.Pero matatapos ang klase namin na may natutunan kami kahit pano..
Tapos breaktime, kakain kami nila Arnold at Kathe ng LONGSILOG every friday di ko alam bkit yun lagi,pwede naman kahit minsan TAPSILOG diba. Tapos kumain(burp),pahinga..ZzZzZzZ...
(2pm-5pm=3hrs) pasok sa teacher na kinatatakutan ng marami, di ko alam kung dahil ba sa way of teaching nia o sa mukha at aura nia.(Strength of Materials).3/4 ng sem chemistry ang tinalakay nia di namin alam bakit.pero ayos narin, sumakit na ang ulo namin sa pagaaral ng periodic table of elements eh ano pa ang magagawa. pero kahit ganon nagbago kami (kahit sa oras at klase niya lang) kasi ngayon lang kami nagkaron ng teacher na kinatakutan talaga namin,sa kanya lang namin naranasan wag dumaldal at wag magkwentuhan sa oras ng klase,sa klase niya rin madalas kang makakakita ng kaklase na ngsasaulo talaga para makapasa sa exam at quiz, na sa ibang subjects eh hindi mo lubos akalain na marunong din pala siyang magsaulo, sa klase nia makikita mo yung iba na pilit pinipigilan ang pagbuka ng bibig para humikab, dahil pag nahuli ka niya lagot ka.
Pero kahit ganun siya hinahangaan ko siya sa estilong meron siya sa pagdidisiplina ng estudyante.Sa panahon lang ngayon pag may ganyan kang teacher aayawan mo talaga kasi ayaw mong pinakikialaman at tinatama yung mga mali mo.
(5pm-6:30pm)..Circuits I naman ang subject,madalas may exam pa,pero ayos lang mabait ang teacher namin diyan.
(6:30pm-9:30pm)..Electromagnetism naman ang aaralin namin,bangenge na kaming lahat sa pagod dahil sa maghapon na ginagawa tapos tatapusin pa ng isang mahirap na subject ang araw namin diba. sino ba namang uuwi ng masaya kapag ganyan.?.kaya pag labas ng room may magsasabi nalang na "GUYS INUMAN NAMAN TAYO,SOBRANG NAKAKAPAGOD EH". pero hanggang salita lang yan, dahil walang gusto sumama dahil sa sobrang pagod at malamang pag ginawa mo pang uminom eh mahihirapan ka bumangon kinabukasan para pumasok sa Electronics subject mo.
Yan kami 'twing araw ng biyernes.hindi kami sanay sa whole day class dahil mga "KWAGO" kami. bakit kamo? kasi evening class kami 5pm-9pm lang ang klase nmin every monday-thursday.
Pero ang masaya sa araw ng Biyernes ay ang pagkakaroon ng mahabang oras para magdaldalan kapag breaktime. hehe

March 6th, 2010 - 00:58
I like this post! Actually, I called it Bloody Friday. I love LONGSILOG, I don’t know why.
Let’s try to eat something new? You like it? Hehe. Again, nice post!
March 6th, 2010 - 10:17
thank’s arnotz.hehe. we must try to eat something new,kasi bubulatihin na tayo kaka longsilog.wahahah
March 6th, 2010 - 23:02
Haha. Ano kaya masarap? Hmm Parang gusto ko ng tosilog? Pero dapat yung tocino nila yung matamis tulad kay ate lina hehe
March 6th, 2010 - 23:27
tosilog sau.akin siomai rice.wahahaha